Get Complete Song Lyrics

Hambog - Alaala Nalang lyrics

1st Verse:



Hindi ko ginusto ang ilayo ako sayo mahal

Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at may kapal

Alam ko din ako'y magtatagal sa lugar na to

Na kung saan wala ka kaya kulang kulang ako

Hindi lang araw hindi lang buwan kundi ilang taon

Tayo ay di magkikita makakaya ko ba yon

Sa tingin ko hinde hindi ko kaya

Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka

Wala ka na dito sa aking tabi kaya di na mapigil ang luha

Gusto kitang makapiling mayakap mahalikan yun lang di ko pa makuha

Dahil ilang kilometro at milya ang ating distansya at ating pagitan

Pangungulila ko sa iyo yan ang resulta ng aking biglaang paglisan

Di ito madali para sayo ngunit mas hindi madali to para sakin

At alam kong hindi tayo magkakalapet kahit sa isang libong dalangin

Nadadama ang lungkot at puot hinagpis at ang pagkabigo at pasakit

Ngunit gaano ka man kalayo saking puso palagi ka ditong malapit



CHORUS:



Inisip ko kung bakit ganito ang langit

Nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

ngunit di ko rin inaasahang mangyayari to

Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako



2nd verse:



Binibilang ang mga araw hanggang saking pagalis

Habang palapit ng palapit lalo akong nagtitiis

At tinatago ang namumuong lungkot saking damdamin

Di mo lang alam di ko na kaya di ko lang maamin

Dahil sabi mo sa akin masaya ka para sakin

Di mo lang alam ako'y nalulungkot na para satin

Dahil tayo'y magkakalayo ng walang kalaban laban

Ang masakit pa doon kung kelan pa tayo nagmamahalan

Nagmahalan tayong dalawa ngunit bakit ito naging plano

Ng kapalarang naging malupet ako'y inilayo sayo ng eroplano

Habang ako'y nasa himpapawid ako'y nakatingin sa mga alapaap

At iniisip na sa alaala nalang ba kita muling makakayakap

At sa gabi nakatitig sa mga larawan na katabi ko saking kama

Nakatingin at tinatanong dito na lamang ba tayo magkakasama

Nasa malayo na ang aking katawang tao at parang pinipilas

Dahil puso ko'y naiwan jan sayo sa Pilipinas



CHORUS:



Inisip ko kung bakit ganito ang langit

Nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

ngunit di ko rin inaasahang mangyayari to

Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako



3rd Verse:



Ang pilitin kong limutin na sa buhay ko'y wala sya

Ay parang pilit sinusuot singsing na hindi kasya

Dahil habang pinipilt mas sumasakit ng todo

Kaya buhay ko ay parang musikang wala sa tono

Di ba pwede naman magsama ang nagmamahalan

Di ba pwede naman wala na din ang hiwalayan

Di ba pwede naman sa pagibig walang hadlang

At pwede ba sya ay ibalik nalang

Walang matarik na bundok walang karagatang malalim

Na aking tatawirin maibalik ka lang sa akin

Dahilan kung bat nabuhay sakin ang pagkasawi

Ay ang pagibig nating tamang nasa oras na mali

At sana wag mo palitan jaan sa puso mo pangalan

Ng lalake na nagsabe na "mahal kita paalam

At magingat palage" noong aalis na sya

At higit sa lahat "Mamimiss kita"



CHORUS:



Inisip ko kung bakit ganito ang langit

Nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

ngunit di ko rin inaasahang mangyayari to

Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako



4th Verse:



Paano na ko mamumuhay nito kung sa piling ko ay nawala

Ang nagiisang minahal ko makasama ko sya ay isa nalang bang himala

Alam ko na sa oras na to ay nakikinig kang pinipigil mo ang pagiyak

Sige ilabas mo wag pigilin ang emosyon ng iyong puso na nagkabiyak

Dahil ang alaala nating dalawa ay nagiwan ng sugat na nakamarka

Sino ba naman ang hindi masasaktan kapag nalayo ang tao na mahal ka

At kung minsan naisip ko din na wag nang ituloy itong nagawa ko na kanta

Dahil malamang pag narinig ko ito sigurado na maaalala kita

Pero kahit pilitin umiwas sa sitwasyon naten ay kusang bumabalik ang

Mga nakaraan kaya titulo ng kanta ko ngayon ay alaala nalang

Dahil sa alaala nalang umiikot ang aking isipan na nalilito

At prisensya ng pagmamahal mo sa akin ay dala ko lagi at naririto

HIndi man kita nabigyan ng materyal pero di mo alam may iniwan ako

Ito ang isang bagay na di maluluma yun ay ang pagmamahal ko sa iyo

Sana pagkaingatan mo yan hanggang sa oras na ikaw ay muli kong balikan

Dahil ipinangako di na ko iibig sa puso ko di ka mapapalitan



CHORUS:



Inisip ko kung bakit ganito ang langit

Nilayo ako sayo

Hindi ko matanggap mahirap magpanggap

Na ako'y hindi bigo

ngunit di ko rin inaasahang mangyayari to

Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako






0 comments:

Post a Comment

Hambog - Alaala Nalang lyrics